Ano ang apendiks sa pananaliksik? Answer: Apendiks ito ay isang bahangi ng pananaliksik na tinatawag na Dahong o Dagdag , dito nakapaloob ang mga liham, pormularyo ng ebalwasyon, talatanungan ( survey questionnaire ), bio-data ng mananaliksik, larawan at iba pa. KAHULUGAN NG PANANALIKSIK Ito ang pagtuklas at pagsubok ng isang teorya upang lutasin ang mga problema o hadlang sa buhay ng isang suliranin na nangangailangan na bigyan ng solusyon. Kahulugan ng Pananaliksik Ayon sa Iba't Ibang Mga Awtor Good, 1963 – Ito ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong pagtatanong ng impormasyon sa pamamagitan ng iba't ibang paraan na ayon sa kalikasan at kalalagyan ng suliraning tinukoy tungo sa solusyon nito. Aquina, 1974 – Ito ay isang detalyadong kahulugan at isang sistematikong paghahanap at pagsusuri sa mga importanteng impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o suliranin Manuel at Medel, 1976 – Ito ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon o datos para maso...